Book Launch of Sapantahang Wika by National Artist for Literature Virgilio Almario

Iniimbitahan kayo ng UST Publishing House at ng UST Museum sa paglulunsad ng SAPANTAHÀNG WIKA, ang pinakabagong libro ng Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario. Tampok dito ang mga usapang panitikan, kasaysayan, at kultura, kasama ang beteranong manunulat at ilan pang mga kilalang iskolar sa iba’t ibang larangan.

Gaganapin ito sa ika-5 ng Oktubre 2022, 3:00-5:00 n.h., sa UST Main Building Lobby. Maaaring makakuha at magpapirma ng kopya sa paglulunsad na ito.

Kung nais po ninyong dumalo, mangyaring magparehistro muna gamit ang Google Form na ito: https://forms.gle/1a8wSFNvCJqSnWz4A.