Panayam Pang-Agham 2020

Ang Research Center for the Natural and Applied Sciences (RCNAS), Kolehiyo ng Agham, at Departamento ng Filipino ng Kolehiyo ng Edukasyon ng Unibersidad ng Santo Tomas ay nag-aanyaya sa lahat ng siyentista, guro at mag-aaral ng agham, mananaliksik, mga kasapi ng organisasyon at ahensiyang pang-agham, at mga guro at mag-aaral ng Filipino na tumunghay sa Panayam Pang-agham 2020 na ila-livestream sa Nobyembre 27, 2020, 9:00-11:30 ng umaga sa pamamagitan ng opisyal na Facebook Page ng UST Departamento ng Filipino.

Tampok na mga tagapanayam sina Dr. Laura T. David ng UP Marine Science Institute, Dr. Nikki Heherson A. Dagamac ng UST Kolehiyo ng Agham at Dr. Lorico DS Lapitan, Jr. ng UST Pakultad ng Inhenyeriya. Magbibigay naman ng susing panayam si Dr. Arthur P. Casanova, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ang tema ng panayam ay “Wikang Filipino, Tungo sa Kulturang Makaagham”. Para sa mga tanong o karagdagang detalye, mag-e-mail sa fil.educ@ust.edu.ph

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter