main02.png

ANG IKA-26 GAWAD USTETIKA

Makibahagi sa Pagyabong ng Panitikang Tomasino

Ang ika-26 na Gawad Ustetika, ang taunang parangal pampanitikan ng Unibersidad ng Santo Tomas, ay bukas para sa lahat ng mga mag-aaral ng Unibersidad na magnanais maglahok ng kanilang mga akda para sa mga kategoryang Tula, Maikling Kuwento, Sanaysay, at Dulang may Isang Yugto, sa Filipino o Ingles.

Ang akdang ilalahok ay kailangang ipasa kasama ang mga sumusunod: limang (5) typewritten na kopya ng akda (short bond paper, Times New Roman o Arial, size 12, double-spaced), at isang hiwalay na kopya nito sa isang CD (MS Word file, .doc). Ilagay ang mga ito sa isang maikling brown envelope kasama ang entry form, isang kopya ng pinakabagong registration form (UST Form 1) ng may-akda, at ang certification of originality, na may lagda ng dalawang propesor sa Ingles o Filipino (matatagpuan ang certification clause sa ibabang bahagi ng entry form).

Ipasa ang inyong mga likha sa tanggapan ng Varsitarian, Room 105, UST Tan Yan Kee Student Center, España, Manila, bago o sa ganap na ikasiyam ng gabi sa Nobyembre 6, 2010.

Para sa karagdagang impormasyon at para makakuha ng entry form, magtungo sa tanggapan ng Varsitarian, o tumawag sa 406-1611 local 8235 at hanapin sina Rose-An Dioquino (0915-8663289) o Jennifer Orillaza (0927- 5137115). Makikita rin ang pahina ng Ustetika (“Varsitarian: 26th Ustetika”) sa Facebook.