With the theme Masulong na Agham sa Wikang Pilipino, the Research Center for the Natural and Applied Sciences and Department of Filipino will hold Pambansang Kumperensiyang Pang-Agham 2018 from November 14-16, 2018 at the University of Santo Tomas.

This event aims to promote “Science for All!” slogan through scientific and technical discourses in Filipino.

 

Inaanyayahan ang lahat na lumahok sa Pambansang Kumperensiyang Pang-agham na gaganapin sa Unibersidad ng Santo Tomas, Lungsod ng Maynila sa ika-14 hanggang ika-16 ng Nobyembre 2018.Itatampok sa Pambansang Kumperensiyang Pang-agham ang paglalahad ng mga pag-aaral at pananaliksik sa masulong na paksa sa agham at teknolohiya.Ang Pambansang Kumperensiyang Pang-agham ay magkasamang tinataguyod ng Research Center for the Natural and Applied Sciences at Departamento ng Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas.  Sinusuportahan ito ng Komisyon sa Wikang Filipino.Itatanghal ang Pambansang Kumperensiyang Pang-agham 2018 para sa ika-25 taon pagdiriwang ng taunang Panayam Pang-agham ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Mga Layunin ng Kumperensiya

  • Itaguyod ang pananaw na “agham para sa lahat” sa pamamagitan ng paglahad ng diskursong siyentipiko at teknikal sa wika na maiintindihan ng nakararaming Pilipino.
  • Magtampok ng isang pagkakataon na magamit ang wikang Filipino sa talakayang siyentipiko at teknikal.
  • Maisulong ang wikang Filipino bilang midyum sa diskurso at talakayan sa larangan ng agham at teknolohiya.